Magpatala na.
Marami pong paraang ginawa ang TLES upang matugunan ang pagpapatala:
Sa pamamagitan po ng link na nakalagay sa tarpaulin. Ito po ay nakasabit malapit sa brgy hall ng TL2, TL3, TL4, TL5, TL6. Ang link ay makikita rin po sa gc ng mga advisers.
May QR code rin po na nasa tarpaulin para sa mabilis na pagpapatala.
Naglagay rin po kami ng Registration box sa bawat brgy. hall ng TL2 up to TL6. Makipag-ugnayan lamang po kayo sa nakatalagang bantay sa brgy. para sa kanilang protocol sa pag-iingat laban sa COVID 19.
Maaari rin po kayong tumawag sa mga teleponong nakapaskil sa tarpaulin.
Paalaala po, maging maingat sa panahon ng pandemya.
Comments