top of page
Search
Writer's pictureTanzang Luma ES

Ang Kwentong Balik-Eskwela ni Anjolyn



"Ako po si Anjolyn Angel Maye Orongan 9 na taong gulang, nasa grade 4-Hope.Nag aaral sa Tanzang Luma Elementary School. Ang aking guro ay si Gng. Jacquilyn Ongka. Si papa ay isang tricycle driver. Ipinagmamalaki ko po siya, dahil sa kanyang kasipagan ay nakapag aral kami nang maayos ngayon kahit may pandemya. Sa kanyang pagiging isang driver ay nabubuhay kaming magkapatid at nakapag aral. Si mama naman ay isang food vendor nakaalalay sa amin palagi lalo na sa oras ng module. Tatlo kami nag- aaral sa ngayon. Minsan naranasan namin ang gutom, dahil hinihintay namin si papa galing sa biyahe, dahil sa may pandemya napakahina ang biyahe. Pero 'di kami bumitaw, sa gabay ng Panginoon kami ay nakaraos sa hirap ng buhay. Lalo na ngayong pandemya pa lumalaban kami at pilit bumangon sa hirap nang buhay. Lumalaban kami tuloy ang buhay. Ang pag-aaral naming magkakapatid ay pagbutihin at pag igihan pa namin. Para sa aming kinabukasan , ako'y nagpapasalamat sa aming mga magulang dahil lagi silang naka suporta sa aming pag-aaral."


Isang malaking tungkulin ang ginagampanan ng mga magulang sa pagkatuto ng kanilang mga anak. Sila ang katabi ng mga kabataan sa pag-aaral at tumutugon sa iba't iba pang mga pangagailangan. Lubos naming pinasasalamatan at ipinagmamalaki ang mga magulang na walang sawang gumagabay sa mga bata, sa kabila ng mga hamong ating kinahaharap ngayon,


Naniniwala kami na sa pagtutulong-tulong ng paaralan, mga guro at mga magulang ay mairaraos nating muli ang taong pampanuruang ito.

80 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page